Goodplayer vs Goodteacher

Marami ang nagtatanong kung saan tayo madaling natututo, 

sa magaling maglaro 


sa magaling magturo?


Situation: 
            Isa akong chess player, at madalas dinadala kami nang aming guro sa magagaling na manlalaro upang ilaban. Syempre palagi kaming umuuwing luhaan. Kalabanin mo ba naman ang magagaling. 

            Tinanong ko minsan si ma'm kung pweding turuan nalang niya kami kaysa ilaban sa ibang magagaling na players. Isa lang ang palaging sagot ni ma'm "Iba ang magaling magturo sa magaling maglaro". Hanggang ngayon hindi ko parin nauunawaan kung ano ang ibig ipakahulugan ni ma'm sa prinsipyong yun. Nilalabanan niya kami pero hindi tinuturuan. Dating player si ma'm, magaling siya sa larangan ng Chess, infact madalas kaming nakukunsiyumi sa pagkatalo kasi wala kaming panama sa galing niya. Pero ni minsan walang itinuro si ma'm kung paano kami titira ng tama para manalo.
Isang beses nagdala siya ng coach na magtuturo daw sa amin. Marami pa ang hinihintay na players ng Club namin kaya bago pa magsimula ang pagtuturo ng import na trainor naglaro muna sila ni ma'm habang nanonood lang ako. Dikit ang laban pero sa huli panalo parin si ma'm. Napahanga ako kasabay ng isipin na "Bakit pa kami magpapatrain sa import na trainor kung mayroon naman kaming magaling na teacher?" tanong ng aking isipan. 
           Nagsimulang magtrain ang import na coach at infairness magaling siya magturo, malinaw at detalyado. In short, marami talaga akong natutuhan. Hindi man siya magaling maglaro pero magaling siya magturo. Napagtanto ko, "Iba ang magaling magturo sa magaling maglaro."

-princeluresysterndereal
copyright 2017

Comments

Popular posts from this blog

Weekly Lesson Plan for Pre-Nursery-K1-Primary (MEDIAL /e/, /a/, /i/, ONSETS, RIMES)